Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Pagdaragdag

Madalas gamitin ang mga mansanas ng mga aklat-pampaaralan. Ipinakita rito ang ekpresyong 3 + 2 = 5 gamit ng prutas na ito.

Ang pagdaragdag (alt. pagdadagdag), minsan ding tinatawag na adisyón[1] (mula Kastila adición) ay isa sa apat na pangunahing operasyon ng aritmetika. Ang resulta ng operasyon nito ay tinatawag na dagup[2][3] o suma.[4]

Maliban sa pagbilang sa mga bagay-bagay, kayang bigyang-kahulugan ng pagdaragdag ang mga bagay na di-tiyak, gamit ang mga basal (abstract) na bilang tulad ng mga buumbilang, tunay na bilang, at komplikadong bilang. Isa itong sangay ng aritmetika.

Maraming katangian ang pagdaragdag. Kayang magpalit-puwesto ang mga panagdag nito nang hindi nagbabago ang sagot (komutatibo) ito at hindi rin nababago ang resulta nito mapaanuman ang maunang idagdag sa isang ekspresyong may tatlo o higit pang mga bilang (asosyatibo). Ang pagdaragdag nang paulit-ulit ng isang bilang sa isa (1) ay tulad rin ng pagbibilang sa mga kamay. Walang mangyayari kung idadagdag ang isang bilang sa sero. Panghuli, sinusunod rin ng pagdaragdag ang mga nahuhulaang tuntunin patungkol sa mga kaugnay na operasyon nito tulad ng pagbabawas at pagpaparami.

Itinuturing na isa sa mga pinakasimpleng gawain sa aritmetika, at maging sa matematika, ang pagdaragdag. Kaya na'ng magdagdag at sagutin ng mga bata at sanggol edad limang buwan, pati ang iba pang mga hayop, ang . Isa rin ito sa mga pinakaunang itinuturo sa mababang edukasyon, kasama ng pagbabawas, pagpaparami, at paghahati.

Aktibo ang pananaliksik sa pinakamabibilis at episyenteng paraan sa pagdagdag, lalo na sa mga malalaking bilang.

  1. "adisyon". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Nobyembre 6, 2020.
  2. Constantino, Ernesto (1971). McKaughan, Howard P. (pat.). Ilokano Dictionary [Diksiyunaryong Ilokano] (PDF) (sa wikang Ingles). University of Hawaii Press. ISBN 9780824879020. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Mayo 6, 2021. Nakuha noong Disyembre 16, 2020.
  3. "dagup". Tagalog Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.
  4. "suma". Tagalog Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 16, 2020.

Previous Page Next Page






Optel AF Addition ALS Suma AN جمع Arabic جمع ARZ যোগ (গণিত) AS Adición (matemática) AST Toplama AZ توپلاما AZB Ҡушыу BA

Responsive image

Responsive image