Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Paghahati

12 ÷ 4 = 3, o kung babasahin, "labindalawa hinati sa tatlo ay apat."

Sa matematika, ang paghahati, pagbabahagi, o dibisyón (mula Kastila división) ay isa sa apat na pangunahing operasyon ng aritmetika, Madalas ginagamit ang tandang panghati o tandang pambahagi (division sign, "÷") bilang simbolo ng paghahating matematikal, ngunit hindi ito ginagamit ng lahat, ni inirerekomendang gamitin, bagamat laganap ito sa mga bansang nagsasalita ng Ingles, kasama na ang Pilipinas. Inirerekomenda ng karamihan na gamitin ang solidus ("/") o di kaya'y linyang panghati (fraction bar) para sa operasyong ito.

Sa pinakamababang pananaw, ang paghahati ay isang proseso ng pagkakalkula sa kung gaano karami ang makakasya o masisiksik na bilang sa isa pang bilang.[1] Dahil hindi ito nagreresulta palagi ng isang buumbilang, nagkaroon tuloy ng iba't ibang mga paglalarawan at pagpapakahulugan sa prosesong ito.

Ang bilang na hahatiin ay tinatawag na hatiin,[2] samantalang pahati naman ang tawag sa bilang na maghahati.[3] Ang resulta ng operasyong ito ay tinatawag namang kosyente o kahatian.[4]

Di tulad ng ibang mga pangunahing operasyon, hindi palagi sakto ang sagot sa paghahati. Tinatawag ang natira o "sobrang" bahagi na butal. Ang paghahating may butal ay tinatawag na paghahating Euclid.

  1. Blake, A. G. (1887). Arithmetic [Aritmetika] (sa wikang Ingles). Dublin, Irlanda: Alexander Thom & Company.
  2. "hatiin". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2020.
  3. "pahati". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2020.
  4. "kahatian". Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 22, 2020.

Previous Page Next Page






Deling AF Division (Mathematik) ALS División AN قسمة (رياضيات) Arabic قسيم ARY قسمه ARZ হৰণ (গণিত) AS División (matemátiques) AST Jaljayaña AY Bölmə (riyaziyyat) AZ

Responsive image

Responsive image