Ang pagpapalayok ay isang proseso at ang mga produkto ng paghuhubog ng sisidlan at ibang bagay na may putik o luwad at ibang seramikong materyales, na inaapuyan sa mataas na temperatura upang mabuo ito ng matigas at matibay na anyo. Pangunahing uri nito ang terakota, stoneware at porselana. Ginagawa ng mga magpapalayok ang mga kalakal sa lugar na tinatawag palayukan. Sa wikang Ingles, tinatawag itong pottery at ang depinisyon na ginagamit ng American Society for Testing and Materials (ASTM) ay "lahat ng pinaapoy na seramikong kalakal na naglalaman ng luwad kapag nabuo, maliban sa teknikal, estruktural, at repraktoryong mga produkto."[1] Sa arkeolohiya, lalo na kung sinauna at bago ang kasaysayang panahon, kadalasang nangangahulugan ang pagpapalayok bilang ang sisidlan lamang, at ang mga pigura ng kaparehong materyal ay tinatawag na mga terakota". Parte ng mga materyales ang luwad na kailangan sa ilang depenisyon ng pagpapalayok, subalit ito ay walang katiyakan.
Isa ang pagpapalayok sa pinakamatandang imbensyon ng tao na nagmula bago ang panahong Neolitiko, na may seramikong bagay tulad ng kulturang Gravettian na may pugirin ni Venus ng Dolní Věstonice sa Republikong Tsek na tinatayang nagmula noong mga 29,000–25,000 BC,[2] at mga sisidlang palayok na natuklasn sa Jiangxi, Tsina, na nagmula pa noong 18,000 BC. Noong Maagang Neolitiko at bago ang Neolitiko, nakita artepakto sa Jōmon, Hapon (10,500 BC),[3] ang Rusong Malayong Silangan (14,000 BC),[4] Sub-Saharang Aprika (9,400 BC),[5] Timog Amerika (9,000-7,000 BC),[6] at Gitnang Silangan (7,000-6,000 BC).
{{cite book}}
: Invalid |ref=harv
(tulong)