Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Pagpaparami

Ang pagpaparami o reproduksiyon[1] ay ang prosesong biyolohikal kung saan nalalalang o nalilikha ang bagong indibidwal na mga organismo. Isang pundamental na kasangkapang-katangian ng lahat ng nalalamang buhay ang reproduksiyon; umiiral ang bawat indibidwal bilang resulta o kinalabasan ng reproduksiyon. Malawakang pinangkat ang nakikilalang mga metodo ng reproduksiyon sa dalawang pangunahing tipo o uri: ang seksuwal at ang aseksuwal.

Sa reproduksiyong aseksuwal, maaaring makalikha o makagawa ng supling o anak ang isang indibidwal na hindi kinakailangan ang tulong ng isa pang indibidwal ng uri o espesyeng iyon. Isang halimbawa ng reproduksiyong aseksuwal ang dibisyon o paghahati ng isang selula ng bakterya upang maging dalawang anak na selula. Subalit hindi limitado o para lamang sa mga organismong uniselular o organismong may iisang selula ang reproduksiyong aseksuwal. Karamihan sa mga halaman ang may kakayahan o abilidad na makapagsupling sa pamamagitan ng paraang aseksuwal.

Nangangailangan ang reproduksiyong seksuwal ng tulong ng dalawang mga indibiduwal, karaniwang isa ng bawat isang kasarian o seks. Karaniwang halimbawa ng reproduksiyong seksuwal ang normal na reproduksiyong pantao o reproduksiyong humano.

  1. Gaboy, Luciano L. Reproduction, reproduksiyon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Previous Page Next Page






Voortplanting AF Fortpflanzung ALS Reproducción AN تكاثر Arabic تكاثر ARZ প্ৰজনন AS Reproducción AST Nəsil artırma AZ تؤره‌مه (تکثیر) AZB Үрсеү BA

Responsive image

Responsive image