Ang Pagpapatapon sa Babilonya ay isang pangyayari sa Kasaysayang Hudyo kung saan ang maraming mga mamamayan ng Kaharian ng Juda ay ipinatapon ni Nabucodonosor II na humantong sa pagkakawasak ng Templo ni Solomon at Herusalem. Ayon sa Bibliya, sa Labanan ng Carcemish noong ca. 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagresulta sa pagbibigay ng tributo ni Jehoiakim sa Babilonya. Sa ikaapat na paghahari ni Nabucodonosor II, si Jehoiakim ay tumangging magbayad ng tributo na humantong pa sa pagkukubkob ng Babilonya sa Herusalem na humantong sa kamatayan ni Jehoiakim, pagpapatapos kay Jeconias, mga hukom, mga mamamayan ng Juda at ni Zedekias sa Babilonya. Ang kalaunang papgpapatapon sa mga mamamayan ng Juda ay nangyari at humantong sa pagkakawasak ng Templo ni Solomon. Ito ay pinetsahan na 597 BCE, 587/586 BCE at 582/581 BCE. Gayunpaman, may mga pagkakaiba sa eksaktong petsa na pinagdedebtaihan pa rin mga iskolar at ang Bibliya ay may magkakasalungat na salasaysay sa petsa, bilang ng pagpapatapon at bilang ng mga mamamayang itinapon. Ayon sa Aklat ni Jeremias, ang pagpapatapon sa Babilonya ay tatagal ng 70 taon mula kay Jeconias(Jeremias 29:2,10) ngunit ito ay tumagal lamang nang 59 taon (598-539 BCE ayon sa karamihan ng mga iskolar), 58 taon (ayon kay Thiele) o 48 taon lamang(587-539 BCE ayon kay Young). Ayon sa Aklat ni Ezra, pinabalik ni Dakilang Ciro ang mga taga-Judah mula sa Babilonya. Ayon sa iskolar na si Lester L. Grabbe, bagaman may "pangkalahatang patakaran (si Dakilang Ciro) sa mga ipinatapon (ni Nabucodonosor II) na mga bansa na bumalik sa kanilang mga bayan at muling itayo ang mga lugar ng kanilang mga kulto"", ang "sinasabing kautusan ni Dakilang Ciro sa mga Hudyo na muling bumalik sa Herusalem at muling itayo ang Templo ni Solomon ay hindi maituturing na totoo". Ayon din kay Grabbe, ang pagpapabalik ni Ciro ay patak patak at nangyari sa maraming mga dekada kesa sa isang pangyayari.[1] Walang binanggit sa Silindro ni Ciro na Judah o Herusalem
{{cite book}}
: |work=
ignored (tulong)