Ang pagpaplano ay isang bagay na ginagawa o sinusunod bago gawin ang isang proyekto upang ito ay maging maayos at organisado. Isa itong proseso ng pag-iisip hinggil sa mga aktibidad na nangangailangan na matamo ang ninanais na layunin. Nakabatay ang pagpaplano sa pag-iintindi sa hinaharap, ang pundamental na kapasidad para sa paglalakabay sa oras ng kaisipan. May ilang mga mananaliksik na tinutukoy ang ebolusyon ng pag-iintindi sa hinaharap - ang kakayahng mag-isip ng maaga - bilang isang panguhaning tagagalaw sa ebolusyon ng tao.[1]
Ang isang mahalagang aspeto ng pagpaplano ay ang kaugnayan nito sa pagtataya. Naglalayon ang pagtataya na hulaan kung ano ang magiging itsura ng hinaharap, habang iniisip ng pagpaplano kung ano ang maaring itsura ng hinaharap.
Ang pagpaplano ayon sa mga naitatag na prinsipyo - pinakakapansin-pansin noong maagang ika-20 dantaon[2] - ay binubuo ng isang pangunahing bahagi ng maraming trabahong propesyunal, partikular sa mga larangan ng pamamahala at negosyo. Kapag nakagawa ng plano ang mga tao, maari nilang sukatin at itasa ang pagsulong, kahusayan at pagiging epektibo. Habang nagbabago ang mga kalagayan, maaring baguhin o kaya'y iwanan ang plano.
Dahil sa popularidad ng konsepto ng pagpaplano, may ilang tagasunod ng ideya ang sinusuporta ang pagpaplano para sa mga hindi planadong mga pangyayari.[3][4]
We maintain that the emergence of mental time travel in evolution was a crucial step toward our current success.
One of the cardinal doctrines of the Marxian system is the necessity for planning. [...] Lenin was the genius back of the Soviets' ideas of a planned economy.