Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Pagsasalita

Ang produksyon ng pagsasalita ay nakikita ng MRI sa aktuwal-na-oras

Ang pagsasalita ay isang komunikasyon na ginagawa sa pamamagitan ng boses ng tao gamit ang wika. Gumagamit ang bawat wika ng ponetiko na kombinasyon ng mga patinig at katinig na tunog na bumubuo sa tunog ng mga salita nito (iyon ay, lahat ng salitang Ingles ay iba ang tunog sa lahat ng salitang Pranses, kahit na ang mga ito ay iisang salita, hal., "role" o "hotel"), at paggamit ng mga salitang iyon sa kanilang semantikong katangian bilang mga salita sa leksiko ng isang wika ayon sa mga paghihigpit na sintaktiko na namamahala sa paggana ng mga leksikal na salita sa isang pangungusap. Sa pagsasalita, isinasagawa ng mga nagsasalita ang maraming iba't ibang sinasadyang mga kilos sa pagsasalita, hal., pagbibigay-alam, pagpapahayag, pagtatanong, paghihikayat, pagdidirekta, at maaaring gumamit ng pagbigkas, intonasyon, antas ng lakas, tempo, at iba pang di-pangrepresentasyon o paralinggwistiko na aspeto ng bokalisasyon upang ihatid ang kahulugan. Sa kanilang pagsasalita, hindi sinasadyang ipahayag ng mga nagsasalita ang maraming aspeto ng kanilang posisyon sa lipunan tulad ng kasarian, edad, lugar ng pinagmulan (sa pamamagitan ng impit o punto), pisikal na estado (pagkaalerto at pagkaantok, sigla o kahinaan, kalusugan o sakit), sikolohikal na estado (emosyon o gana), katayuang pisiko-sikolohikal (katimpian o pagkalasing, normal na kamalayan at katayuan ng kawalan ng ulirat), edukasyon o karanasan, at mga katulad nito.

Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang maraming iba't ibang aspeto ng pagsasalita: pagsasagawa ng pagsasalita at persepsyon ng pagsasalita ng mga tunog na ginagamit sa isang wika, pag-uulit ng pagsasalita, mga pagkakamali sa pagsasalita, ang kakayahang imapa ang mga narinig na binibigkas na salita sa mga bokalisasyon na kailangan upang muling likhain ang mga ito, na gumaganap ng mahalagang papel sa mga bata sa pagpapalawak ng kanilang bokabularyo, at kung ano ang iba't ibang bahagi ng utak ng tao, tulad ng lugar ni Broca at lugar ni Wernicke, ang pinagbabatayan ng pagsasalita. Isang paksang pinag-aaralan ang pagsasalita sa lingguwistika, agham pangkognitibo, araling pangkomunikasyon, sikolohiya, agham pangkompyuer, patolohiyang pananalita, otorrinolaringolohiya, at akustika. Inihahambing ang pagsasalita sa nakasulat na wika,[1] na maaaring magkaiba sa bokabularyo, sintaksis, at ponetika nito mula sa sinasalitang wika, isang sitwasyong tinatawag na diglosya.

  1. "Speech". American Heritage Dictionary (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-07. Nakuha noong 2018-09-13.

Previous Page Next Page






Spraak AF Parla (lingüistica) AN حديث (تواصل) Arabic كلام ARZ Nitq AZ Pagtaram BCL Маўленне BE Реч Bulgarian Govor BS Parla Catalan

Responsive image

Responsive image