Ang pagsusuri, analisis, o paglilitis[1] (Ingles: Analysis) ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang tekniko ay ginamit sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni Aristotle (384–322 BK), bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umunlad.[2]