Pagtatampok sa Krus na Banal | |
---|---|
![]() Pagtatampok sa Krus na Banal ni Adam Elsheimer | |
Petsa | 14 Setyembre |
Dalas | taunan |
Ang Pagtatampok sa Krus na Banal[1][2] (sa Griyego: Ὕψωσις τοῦ Τιμίου Σταυροῦ, sa Latin: Exaltatio Sanctae Crucis) ay isang kapistahang Kristiyano patungkol sa krus na pinagpakuan ni Hesukristo. Ipinagdiriwang ang kapistahan nito tuwing ika-14 ng Setyembre, kung kailan sinasabing natagpuan ni Santa Elena ang krus ni Hesus noong taóng 326, at nang ito ay mabawi naman sa mga Persiano noong taóng 628.[3][4]