Ang dihestiyon, pagtunaw ng pagkain, o pagtunaw ng kinain[1] ay ang proseso ng metabolismo kung saan pinoproseso ng isang entidad na biyolohikal ang isang sustansiya upang mapalitan ito sa kimikal at mekanikal na pamamaraan para magamit ng katawan. Ito ang pagpapalit ng pagkain upang maging isang anyong nagagamit para bigyan ng sustansiya at palakasin ang katawan. Sa pamamagitan ng dihestiyon, nagiging mas payak ang anyo ng mga karbohidrato, protina, at taba habang dumaraan o nasa loob ng bibig, tiyan, at maliit na bituka.[2]