Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Pamahalaan ng Pilipinas ay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Pinamamahalaan ito bilang isang unitaryong estado sa ilalim ng sistemang presidensyal kinakatawan at demokratiko at isang republikang konstitusyunal kung saan ang Pangulo ang nagsisilbing kapwang puno ng estado at puno ng pamahalaan ng bansa sa loob ng isang sistemang multi-partidista.
Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na sangay: ang sangay ng tagapagbatas, sangay ng tagapagpaganap, at ang sangay ng tagahukom. Ang kapangyarihan ng bawat sangay ay ibinibigay ng Saligang Batas ng Pilipinas ayon sa sumusunod: Kapangyarihan na magsagawa ng batas ay ibinibigay sa dalawang kapulungan, ang Kongreso ng Pilipinas-ang Senado ang bumubuo sa mataas na kapulungan at ang Kapulungan ng mga kinatawan ang bumubuo sa mababang kapulungan.[1] Ang kapangyarihan ng tagapagpaganap ay ibinibigay sa pamumuno ng Pangulo. Ang kapangyarihan sa tagahukom ay ibinibigay sa mga korte kung saan ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang pinakamataas na katawang panghukom ng bansa.