Ang pamilihan ng sapi o pamalitan ng sapi (Ingles: stock market o equity market) ay isang pampublikong entidad (isang maluwag na kalambatan ng mga transaksiyong ekonomiko, hindi isang pisikal na pasilidad o disrektong entitad) para sa pangangalakal ng sapi ng kompanya at mga deribatibo sa inayuang presyo. Ang mga ito ang mga panagot (securities) na nakatala sa mga palitan ng sapi (stock exchange) gayundin ang mga kinakalal lamang ng pribado. Ang sukat ng pandaigdigang pamilihan ng sapi ay mga $36.6 trilyon sa simula nang Oktubre 2008.[1] Ang kabuuang pandaigdigang pamilihan ng mga deribatibo ay tinayang mga $791 trillion mukha o nominal na halaga[2] na 11 beses sukat ng kabuuang pandaidigang ekonomiya.[3] Ang halaga ng pamilihan ng mga deribatibo dahil ito ay nakasaad sa mga termino ng mga nosyonal na halaga ay hindi maaaring direktang maikumpara sa stock o isang nakapirmeng seguridad na sahod na tradisyonal na tumutukoy sa aktuwal na halagang cash. Sa karagdagan, ang malawak na karamihan ng mga deribatibo ay kumakansela sa bawat isa (i.e., ang isang deribatibong taya sa isang pangyayari na nangyayari ay sinasalungat ng isang maihahambing na tayang deribatibo sa pangyayaring hindi nangyayari). Ang maraming gayong mga seguridad na hindi likwido ay binibigyang halaga bilang marka sa modelo kea sa aktuwal na presyo sa pamilihan. Ang mga stock ay nakatala at kinakalakal sa mga palitan ng stok na mga entitad ng isang korporasyon o mutual na organisasyon na espesyalisad sa negosyo ng pagdadala ng mga mamimili at tagatinda ng mga organisasyon sa isang pagtatala ng mga stok at seguridad ng magkasama. Ang pinakamalaking pamilihan ng stok sa Estados Unidos ayon sa kapitalisasyon ng pamilihan ang New York Stock Exchange (NYSE). Sa Canada, ang pinakamalaking pamilihan ng stock ang Toronto Stock Exchange. Ang pangunahing mga halimbawang Europeo ng mga palitan ng stock ay kinabibilangan ng Amsterdam Stock Exchange, London Stock Exchange, Paris Bourse, and the Deutsche Börse (Frankfurt Stock Exchange). Sa Aprika, ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng Nigerian Stock Exchange, JSE Limited, etc. Sa Astya, ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng Singapore Exchange, the Tokyo Stock Exchange, Hong Kong Stock Exchange, the Shanghai Stock Exchange, at Bombay Stock Exchange. Sa Latin Amerika, may mga gayong palitan tulad ng BM&F Bovespa at BMV. Ang mga kalahok ng pamilihan ay kinabibilangan ng mga inbestor ng tingian, mga inbestor na institusyonal gaya ng mga pondong mutual, mga bangko, mga kompanya ng kasiguruhan, mga pondong hede at gayundin ang mga kinakalakal ng publikong korporasyon sa kanilang mga sariling bahagi. Ang ilang mga pag-aaral ay nagmungkahing ang mga institusyonal na inbestor at mga korporasyon na nangangalakal sa kanilang mga bahagi ay pangkalahatang tumatanggap ng mas mataas na isinaayos sa panganib na mga pagbalik kesa sa mga inbestor ng tingian. [4]