Ang Pamilihang Sapi ng Pilipinas o Philippine Stock Exchange (PSE) ay ang pangunahing pamilihan ng sapi sa Pilipinas. Bukod pa rito, bilang isa sa mga pinakamahalagang pamilihang sapi sa Timog-Silangang Asya, ito ay ang kauna-unahan at pinakamatagal sa pagpapatakbo nito mula't sapul noong 1927. Ito rin ay isang organisasyon pansarili na nagbibigay at tinitiyak ang isang patas, mabisa, malinaw at matalatag na pamilihan ukol sa pagbili at pagbenta ng mga paseguro.[1]
Sa kasalukuyan, ang PSE ay may dalawang mga palapag pangkalakalan, isa ay nasa Distrito Sentral ng Negosyo sa Lungsod ng Makati at ang isa ay nasa himpilan sa Lungsod ng Pasig.