Ang pampublikong pamamahayag o pagtatalumpati ay ang paghahayag sa pamamagitan ng direktang pagsasalita o pagbibigay talumpati ng isang indibidwal sa harap ng mga tagapakinig upang manghikayat, magbigay kaalaman, o magbigay aliw. Ang pagtatalumpati ay karaniwang itinuturing na pormal na pakikipag-usap sa pagitan ng isang tao at ng isang pangkat ng mga tagapakinig. Maihahalintulad ito sa pagtatanghal, ngunit ang pagtatanghal ay malimit na kaugnay ng mga gawaing komersyal. Madalas, ang pagtatalumpati ay isinasagawa upang manghimok ng mga tagapakinig.