International Labour Organization Organisation internationale du travail (sa Pranses) | |
Daglat | ILO / OIT |
---|---|
Pagkakabuo | 1919 |
Uri | ahensiya ng UN |
Katayuang legal | Aktibo |
Punong tanggapan | Geneva, Switzerland |
Pinuno | Gilbert Houngbo |
Website | ilo.org |
Ang Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa[1] o International Labour Organization (dinadaglat na ILO) ay isang ahensiya ng United Nations na nangangasiwa sa mga isyung may kaugnayan sa paggawa, partikular ang mga pamantayan sa pandaigdigang paggawa, proteksiyong panlipunan, at pangkalahatang pagkakataon sa trabaho.[2] May 186 na bansang kasapi ang ILO, kasama rito ang 185 bansang kasapi ng UN at Cook Islands.
Noong 1969, ginawaran ng Nobel Peace Prize ang organisasyon sa pagsusulong nito ng kapayapaan sa mga uri, pagsulong ng maayos na hanap-buhay at katurangan para sa mga manggagawa, at pagbibigay ng tulong teknikal sa ibang pang umuunlad na mga bansa.[3]
Nirerehistro ng ILO ang mga reklamo laban sa mga entidad na lumalabag sa pandaigdigang tuntunin; subalit hindi ito nagpapataw ng parusa sa mga pamahalaan.[4]