Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.
Pandemya
Ang isang pandemya (mula sa Griyegoπᾶν, pan, "lahat" at δῆμος, demos, "lokal na mga tao" ang 'maraming tao') ay isang epidemya ng isang nakakahawang sakit na kumalat sa isang malaking rehiyon, halimbawa, sa maraming lupalop o sa buong mundo, na nakakaapekto sa isang malaking bilang na mga indibiduwal. Hindi pandemya ang isang endemikong sakit na may matatag na bilang ng mga nahawaang indibiduwal. Pangkalahatang hindi sinasama ang mga endemikong sakit na may matatag na bilang ng mga nahawaang indibiduwal tulad ng panahon ng trangkaso dahil sabay-sabay silang nagaganap sa mga malaking rehiyon ng daigdig sa halip na kumakalat sa buong mundo.
Sa buong kasaysayan ng tao, nagkaroon ng ilang mga pandemya ng mga sakit tulad ng bulutong. Ang Salot na Itim ang pinakanakamamatay na pandemya sa nakatalang kasaysayan na kinitil ang buhay ng tinatayang 75–200 milyong tao noong ika-14 na dantaon.[1][2][3][4] Hindi pa ginamit ang katawagan noon pero ginamit din ito sa mga kalaunang pandemya, kabilang ang pandemyang trangkaso ng 1918—mas karaniwang kilala bilang Spanish flu o trankasong Espanyol.[5][6][7]