![]() Mapa ng mga lalawigan (kabilang ang Kalakhang Maynila) na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 (mula Agosto 2)[map note 1]
5000+ kumpirmado
1000–4999 kumpirmado
500–999 kumpirmado
100–499 kumpirmado
10–99 kumpirmado
1–9 kumpirmado | |
![]() Mapa ng mga lalawigan (kabilang ang mga malayang nakapaloob na lungsod) na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 (mula Agosto 2)
1000+ kumpirmado
500–999 kumpirmado
100–499 kumpirmado
10–99 kumpirmado
1–9 kumpirmado | |
Sakit | COVID-19 |
---|---|
Uri ng birus | SARS-CoV-2 |
Lokasyon | Kalakhang Maynila |
Unang kaso | Maynila |
Petsa ng pagdating | Enero 30, 2020 (5 taon at 1 linggo) |
Pinagmulan | Wuhan, Hubei, Tsina |
Kumpirmadong kaso | 3,997,941 [1] |
Malalang kaso | 2,474[2] |
Gumaling | 3,567,412[1] |
Patay | 63,883 [1] |
Opisyal na websayt | |
https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV Naka-arkibo 2020-02-22 sa Wayback Machine. https://www.doh.gov.ph/covid19tracker Naka-arkibo 2020-09-26 sa Wayback Machine. |
Kinumpirma ang pagkalat ng pandemya ng COVID-19, isang bagong nakakahawang sakit na sanhi ng SARS-CoV-2 Theta variant, sa Pilipinas noong Enero 31, 2020, kung kailan nakumpirma ang unang kaso ng COVID-19 sa Kamaynilaan—isang Tsina na 38 taong gulang named na naipasok sa Ospital ng San Lazaro sa Maynila. Nakumpirma ang ikalawang kaso noong Pebrero 2, na isang 44 taong gulang na Tsino na namatay ng isang araw bago ang kumpirmasyon, at ito ang unang kaso na kumpirmadong pagkamatay dahil sa sakit na nasa labas ng pangunahing lupain ng Tsina.[3][4][5] Nakumpirma ang unang kaso ng isang tao na walang kasaysayan ng paglalakbay noong Marso 5, isang lalaking edad 62 na madalas pumunta sa isang bulwagang panalanginang Muslim sa lungsod ng San Juan, Kalakhang Maynila, na nagdulot ng suspetsa sa transimisyon sa pamayanan ng COVID-19 ay parating na sa Pilipinas. Nakumpirma ang asawa ng lalaki na nahawaan noong Marso 7, na ang unang lokal na transmisyon na natiyak.[6][7][8]
Mula Agosto 2, 2020, mayroong 103,185 kumpirmadong kaso ng sakit sa bansa. Sa mga kaso, 2,059 ang naitalang namatay at 65,557 ang gumaling.[1][9] Pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamalaking bilang ng kaso sa Timog-silangang Asya, ika-10 sa Asya, at ika-25 sa buong daigdig. Ang pinakamalaking pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ay noong Agosto 2, nang 5,032 bagong kaso ang naihayag ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).[10]
Pagsapit ng kalagitnaan ng Hunyo 2020, nakumpirma ang di-kukulangin sa isang kaso sa lahat ng mga 17 rehiyon ng bansa, habang 10 sa 81 lalawigan ng bansa ang nanatiling malaya sa COVID-19.[11]
Iniugnay ang katayuang sosyo-ekonomiko sa paglaganap ng mga kaso ng COVID-19 sa 17 rehiyon ng bansa.[12]
Pagsapit ng Hulyo 31, ang bansa ay may 96 laboratoryong subnasyonal na may kakayahang magtuklas ng SARS-CoV-2 at nagsagawa na ang kabuuan ng 1,534,319 pagsubok sa higit sa 1,433,544 natatanging indibiduwal.[1]
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "map note", pero walang nakitang <references group="map note"/>
tag para rito); $2
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang situationer
); $2{{cite news}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: url-status (link)
{{cite news}}
: Check date values in: |archive-date=
(tulong)