Ang panimpla o pampalasa (Ingles: flavoring) ay isang pandagdag sa pagkain na ginagamit upang mapabuti ang lasa o amoy ng pagkain. Pinapalitan nito impresyong perseptibo ng pagkain na pangunahing natutukoy ng kimiyorreseptor ng mga sistemang panlasa at pang-amoy.[1][2] Kasama ng mga pandagdag, tinutukoy ng ibang bahagi tulad ng asukal ang lasa ng pagkain.
Binibigyang kahulugan ang panimpla bilang isang sustansiya na nagbibigay ng lasa sa isa pang sustansiya, na binabago ang katangian ng solusyon, na nagdudulot dito na maging matamis, maasim, mabango, atbp. Bagaman ang katawagang panimpla, sa karaniwang lengguwahe, ay nagpapahiwatig ng pinagsamang mga sensasyong kimikal ng lasa at amoy, ginagamit ang parehong katawagan sa mga industriya ng pabango at pampalasa upang tukuyin ang nakakaing kimikal at katas na binabago ang lasa ng pagkain at mga produktong pagkain sa pamamagitan ng pang-amoy.
Dahil sa mataas na presyo, o walang mapagkukunang likas na mga katas na panimpla, "identikal sa kalikasan" ang karamihan sa mga pampalasang pangkomersyo, na nangangahulugan na katumbas pangkimika sila ng mga lasang natural, subalit kimikal na hinalo sa halip na kinatas mula sa materyal na mapagkukunan. Maaaring makuha ang pagkilala ng mga bahagi ng mga pagkaing likas, tulad ng sampinit, gamit ang teknolohiya tulad ng kaparaanang headspace, para magaya ng isang nagtitimpla ang lasa sa pamamagitan ng ilang parehong kimikal na naroroon. Sa lehislasyong Unyong Europeo, walang "identikal sa kalikasan na panimpla". Tinutukoy ng lehislasyon kung ano ang isang "panimpla" at isang "panimplang natural".