Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Disyembre 2013) |
Ang panlaban ng katawan o pangontra ng katawan laban sa sakit (Ingles: antibody o "panlaban [ng katawan] laban sa [ibang] katawan"), tinatawag ding imyunoglobulina (may sagisag na Ig), ay isang protina sa dugong nabubuo at lumalabas bilang reaksiyon ng katawan laban sa sakit o upang malabanan ang lason na sanhi ng ibang klase ng sustansiya; katulad halimbawa na ng ilang mga protina at mga polisakarida (mga polysaccharide).[1] Isa ito sa ilang bilang ng mga sustansiyang nililikha ng katawan upang mapaglabanan ang ilang kilos, galaw, o aksiyon ng mapaminsalang mga mikrobyo.[2]