Ang Pantalan ng Maynila, o Pier ng Maynila ay ang pinakamalaki at pangunahing pantalan ng Pilipinas na matatagpuan sa bukana ng look ng Maynila. Ito ang pangunahing sanhi ng ekonomiya ng Maynila, na sinundan ng Ermita at Malate, na mas kilala bilang poblasyon ng Maynila. Dito matatagpuan ang mga pinagmamalaking pantalan ng kalakhang Maynila. Ang mga galing lalawigan at ang mga dayuhan na bumabiyahe gamit ang mga barko ay dumadaong sa pantalang ito. Bilang pangunahing pantalan ng Pilipinas, inaangat ng pantalan ang mga negosyong panindustriya sa bansa.
Ang pantalan ay ang bumabagsak sa ika-35 na puwesto na pinaka-okyupadong pantalan ng daigdig.