Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei | |
---|---|
![]() | |
Pinuno | Anton Drexler 1920–1921 Adolf Hitler 1921–1945 |
Itinatag | 1920 |
Binuwag | 1945 |
Humalili sa | Partido ng Manggagawang Aleman (DAP) |
Sinundan ng | Wala; Ipinagbawal Ang mga idelohiya ay ipinagpatuloy sa Maka-nazismo |
Punong-tanggapan | Munich, Alemanya[1] |
Pahayagan | Völkischer Beobachter |
Pangakabataang Bagwis | Kabataang Hitler |
Paramilitary wing | Sturmabteilung (SA) |
Bilang ng kasapi | 'Di hihigit sa 60 (noong 1920) 8.5 milyon (pagsapit ng 1945) |
Palakuruan | Nazismo |
Posisyong pampolitika | Radikal na kanan[2][3][4] |
Kasapaing pandaigdig | N/A |
Opisyal na kulay | Itim, Puti, Pula (mga kulay pangimperyal); Kayumanggi |
Website | |
N/A |
Ang Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman (Aleman: Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei (tulong·impormasyon), pinaikling NSDAP), na mas kilala bilang Partidong Nazi o Nazi, ay isang pampolitika na partido sa Alemanya mula 1920 hanggang 1945. Ang partidong ito ay itinatag mula sa kasalukuyang (nang mga panahong ito) malayong-kanan (far-right) at rasistang (racist) kilusang Alemang völkisch nasyonalista at ang marahas na anti-komunistang Freikorps paramilitar na kultura na lumaban sa pag-aalsa ng mga rebolusyonaryong komunista sa Alemanya pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang partidong ito ay nilikha ni Anton Drexler bilang paraan upang hatakin ang mga manggagawa papalayo sa komunismo at patungo sa nasyonalismong völkisch. Sa simula, ang pampolitika na stratehiya ng Nazi ay nakatutok sa laban-sa malalaking negosyo, anti-bourgeois, at anti-kapitalistang mga retoriko bagaman ang mga aspetong ito ay nawalan ng kahalagaan pagdating nang mga 1930 upang makamit ang suporta para sa Nazi ng mga may ari ng mga industriya. Ang pokus ay lumipat naman sa anti-semitiko at anti-marxistang mga tema. Ang huling pinuno ng partidong ito si Adolf Hitler na hinirang na Kansilyer ng Alemanya ng pangulong si Paul von Hindenburg noong 1933. Mabilis na itinatag ni Hitler ang isang rehimeng totalitarian na tinatawag na Ikatlong Reich (Third Reich).