PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Ang patinig ay isang silabikong tunog sa pananalita na binibigkas nang walang anumang paghihigpit sa daanan ng boses.[1] Isa ang mga patinig sa dalawang pangunahing uri ng tunog sa pananalita (katinig ang isa). Iba-iba ang mga patinig pagdating sa kalidad, lakas, at haba. Madalas silang binobosesan (voiced), at may madalas na kinalaman sa pagbabagong pamprosa tulad ng tono, himig o intonasyon, at diin (stress).