Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO | |
---|---|
Pamantayan | Pangkultura: i, ii, iii, iv |
Sanggunian | 439 |
Inscription | 1987 (ika-11 sesyon) |
Mga ekstensyon | 2004 |
Ang Pinagbabawalang Lungsod (Tsino: 故宫; pinyin: Gùgōng; Ingles: Forbidden City) ay kalipunan ng mga palasyo na matatagpuan sa sentro ng Beijing, Tsina. Ang dating imperyal na palasyo ng Tsina mula noong Dinastiyang Ming hanggang katapusan ng Dinastiyang Qing (sa mga taong 1420 hanggang 1912), at dito ngayon matatagpuan ang Museo ng Palasyo. Sa loob halos ng 500 taon, nagsilbi itong tahahan ng mga emperador at kasambahayan nito, pati na rin ng seremonyal at politikal na sentro ng pamahalaang Tsino.
Itinayo noong 1406 hanggang 1420, binubuo ang kalipunan ng 980 gusali at sumasakop sa lawak na 72 ektarya.[1] Ipinapakita ng kalipunan ng palasyo ang tradisyonal na arkitekturang pampalasyo ng Tsina,[2] na nakaimpluwensiya sa pag-unlad ng kultura at arkitektura sa Silangang Asya ay kung saan-saan pa. Idineklarang Pandaigdigang Pamanang Pook ang Forbidden City noong 1987,[2] at itinala ng UNESCO na naglalaman ng pinakamalaking koleksiyon ng napreserbang istrakturang kahoy sa buong daigdig.
Mula 1925, nasa ilalim ng pamamahala ng Museo ng Palasyo ang Pinagbabawalang Lungsod, na may malawak na koleksiyon ng mga likhang-sining at artepakto na nanggaling sa koleksiyon ng imperyo sa ilalim ng dinastiyang Ming at Qing. Ilan sa mga dating koleksiyon ng museo ay makikita na sa Pambansang Museo ng Palasyo sa Taipei. Nagmula sa iisang institusyon ang parehong museo, ngunit nahati matapos ang Digmaang Sibil ng Tsina. Magmula noong 2012, halos 15 milyon ang bisita ng Pinagbabawalang Lungsod taun-taon, at nakatanggap ng higit sa 16 milyon bisita noong 2016[3] at 2017.[4]
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang visitors
); $2