Mga pagkasaserdote ng Sinaunang Roma |
---|
![]() Flamen (250 CE –260 CE) |
Mga pangunahing Kolehiyo |
Ibang mga kolehiyo o mga sodalidad |
Mga saserdote |
Mga saserdotisa |
Mga nauugnay na paksa |
Ang Pontifex Maximus (Latin, literal na "pinakadakilang pontipise") ang Dakilang Saserdote o Dakilang Pari ng Kolehiyo ng mga Pontipise (Collegium Pontificum) sa Sinaunang Roma. Ito ang pinakamahalagang posisyon sa Relihiyon sa Sinaunang Roma na bukas lamang sa mga patrisiyano hanggang 254 BCE nang ang isang plebeian ay umokupa ng posisyong ito. Ito ay isang natatanging opisinang pang-relihiyon sa ilalim ng maagang Republikang Romano at unti-unti nang politisado hanggang sa pagsisimula ni Augustus. Ito ay isinama sa Opisinang Imperyal. Ang huling paggamit nito sa reperensiya sa mga emperador ay sa mga inskripsiyon ni Gratian[1] (naghari noong 375 CE –38 CE3) na gayunpaman ay nagpasyang alisin ang mga salitang "pontifex maximus" sa kanyang pamagat.[2][3]
Ang salitang "pontifex" ay kalaunang naging isang termino na ginamit para sa mga obispong Kristiyano[4] kabilang ang Obispo ng Roma[5] at ang pamagat na "Pontifex Maximus" ay inilapat sa loob ng Simbahang Katoliko Romano sa papa bilang pangunahing obispo nito. Ito ay hindi kasama sa mga opisyal na pamagat ng papang Romano Katoliko[6] ngunit makikita sa mga gusali, monumento, at mga barya ng mga papang Katoliko Romano ng Renasimiyento at mga modernong panahon.