Ang isang pook na urbano (Ingles: urban area) o aglomerasyong urbano (Ingles: urban agglomeration) ay isang pantaong pook na may mataas na kapal ng populasyon (population density) at impraestruktura ng built environment (kapaligirang puno ng mga estrukturang pantao). Sa pook na ito, maraming tao ang namumuhay at naghahanapbuhay nang malapitan, at karaniwang magkakalapit ang mga gusali. Nilikha ang mga pook na urbano sa pamamagitan ng urbanisasyon, at ini-uuri ng morpolohiyang urbano ang mga ito bilang mga lungsod, bayan, conurbation, at naik. Sa larangan ng urbanismo, ang gayong salita ay kabaligtaran ng "pook na rural" tulad ng mga nayon kung saan naroroon ang maliliit na mga kabahayan at mga kabukiran. Sa larangan naman ng sosyolohiyang urbano o antropolohiyang urbano, ito ay kabaligtaran ng kalikasan. Ang paglikha ng mga pook na nauna sa mga pook na urbano sa panahon ng rebolusyong urbano ay humantong sa paglikha ng kabihasnang pantao na may makabagong pagpaplano ng urbano. Kasabay ng ibang mga gawaing pantao tulad ng paggamit ng mga likas na yaman, humahantong ito sa epektong pantao sa kapaligiran.
Tumaas ang populasyong urbano ng mundo mula 746 milyon noong sa 3.9 bilyon sa loob ng mga nakalipas na dekada.[1] Noong 2009, nilagpasan ng kabuuang bilang ng mga mamamayang nakatira sa mga pook na urbano (3.42 bilyon) ang kabuuang bilang ng mga nakatira sa mga pook na rural (3.41 bilyon) at magmula noon nagiging mas urbano ang mundo kaysa rural.[2] Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang karamihan sa populasyon ng mundo ay nakatira sa mga kalungsuran.[3] Noong 2014 mayroong 7.2 bilyong katao sa Daigdig,[4] 3.9 na bilyon sa kanila ay nasa mga pook na urbano. Sa mga panahong iyon, ipinalalagay ng Population Division ng Kagawaran ng Ugnayang Ekonomiko at Panlipunan ng Mga Nagkakaisang Bansa na lalaki ang populasyong urbano ng mundo sa 6.4 bilyon pagsapit ng 2050, 37% ng paglaking iyon ay magmumula sa tatlong mga bansa: Tsina, Indiya at Niherya.[1]
Ang mga pook na urbano ay nilikha at pinaunlad pa sa pamamagitan ng proseso ng urbanisasyon. Sinusukat ang mga pook na urbano para sa samu't-saring mga layunin, tulad ng maiging pagsusuri sa kapal ng populasyon (population density) at paglawak na urbano (urban sprawl).
Di-tulad ng isang pook na urbano, ang isang kalakhang pook ay kinabibilangan ng hindi lamang ang pook na urbano, kung hindi ng mga karatig lungsod pati ang lupang rural sa pagitan nito na sosyo-ekonomikong nakaugnay sa pusod urbano na lungsod, karaniwan sa pamamagitan ng mga ugnayang empleo sa pamamagitan ng pangkaraniwang paglalakbay o pag-kokomyute kalakip ng pusod urbano na lungsod bilang pangunahing pamilihan ng paggawa.
{{cite news}}
: Unknown parameter |dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite news}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)