Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Populasyong estadistikal

Sa estadistika, ang populasyon ay ang kabuuan ng mga tao, bagay o pangyayari na pinag-aaralan. May dalawang uri ng pang-estadistikang populasyon. Ito ay ang mga target na populasyon at survey na populasyon. Ang target na populasyon ay ang populasyon kung saan gustong kuhanin ang impormasyong susuriin samantalang ang survey na populasyon ay ang populasyon kung saan kukuhanin ang mga impormasyong susuriin.[1] Halimbawa, kung ang paksa ng pagsusuri ay ang mga Pilipino na nakatira sa ibang bansa, ang pang-estadistikang populasyon ay ang kabuuan o lahat ng mga Pilipino na nakatira sa ibang bansa. Ang kabuuang ito ay ang target na populasyon samantalang ang survey na populasyon ay maaring ang mga Pilipino na nakatira sa Estados Unidos o kaya ay ang mga Pilipino na nakatira sa Europa.

  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-09. Nakuha noong 2019-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)

Previous Page Next Page