Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Pritong manok

Pritong manok na may buttermilk

Ang pritong manok (Ingles: Southern fried chicken o fried chicken lang mismo) ay isang ulam na binubuo ng mga hiwa ng manok na inilubog sa tinimplahang batter at ipiniprito. Malutong ang balat nitong ulam habang pinapanatili sa karne ang mga katas.

Ang pinakaunang ulam na kinikilalang ipinrito ay fritter, na sumikat sa Gitnang Kapanahunan sa Europa. Subalit, mga Eskoses ang naging unang taga-Europa na nagprito ng manok sa taba (ngunit walang panimpla). Samantala, ang iilang mga katao sa Kanlurang Aprika ay may mga tradisyon ng tinimplahang pritong manok (sa paglubog sa batter at pagluluto ng manok sa langis ng palma). Pinagsama-sama ang mga pamamaraan sa pagprito ng mga Eskoses at ang mga pamamaraan sa pagtimpla ng mga Kanluraning Aprikano ng mga inaliping Aprikano at Aprikanong-Amerikano sa Timugang Estados Unidos.


Previous Page Next Page