Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Proletaryado

Ang proletaryado (mula sa Latin na proletarius na nangangahulugang 'nagbibigay ng supling' ) ay ang uring panlipunan ng mga kumikita ng sahod, ang mga kasapi ng isang lipunan na ang tanging pag-aari sa makabuluhang halagang pang-ekonomiya ay ang kanilang lakas sa paggawa (ang kanilang kapasidad na magtrabaho).[1] Ang isang miyembro ng ganitong uri ay isang proletaryo. Itinuturing sa pilosopiyang Marxista ang proletaryado sa ilalim ng mga kondisyon ng kapitalismo bilang isang pinagsasamantalahang uri[2]  na napilitang tumanggap ng kakarampot na sahod bilang kapalit sa pagpapatakbo ng mga kagamitan sa produksyon, na kabilang sa mga uring may-ari ng negosyo, ang burgesya.

Nangatuwiran si Karl Marx na nagbibigay ang kapitalistang pang-aapi na ito sa proletaryado ng mga karaniwang pang-ekonomiya at pampulitika na interes na lumalampas sa mga hangganan ng bansa,[3] na nag-uudyok sa kanila na magkaisa at kunin ang kapangyarihan mula sa kapitalistang uri, at sa kalaunan ay lumikha ng isang sosyalistang lipunan na malaya sa mga pagkakaiba ng uri.[4]

  1. "proletariat" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-06-06 – sa pamamagitan ni/ng The Free Dictionary.
  2. Screpanti, Ernesto (9 Oktubre 2019). "Measures of Exploitation". Labour and Value: Rethinking Marx's Theory of Exploitation (sa wikang Ingles). Cambridge: Open Book Publishers. p. 75. doi:10.11647/OBP.0182. ISBN 9781783747825. Nakuha noong 24 Hulyo 2023. Marx's value theory is a complex doctrine in which three different kinds of speculation coalesce: a philosophy aimed at proving that value is created by a labour substance; an explanation of the social relations of production in capitalism; and a method for measuring exploitation.
  3. Marx, Karl; Engels, Friedrich (1 Enero 2009) [1848]. "Proletarians and Communists". The Communist Manifesto (sa wikang Ingles). The Floating Press. pp. 28–29. ISBN 9781775412434. Nakuha noong 24 Hulyo 2023. The Communists are distinguished from the other working-class parties [...]: [...] In the national struggles of the proletarians of the different countries, they point out and bring to the front the common interests of the entire proletariat, independently of all nationality.
  4. Aron, Raymond (5 Hulyo 2017) [1955]. "The Myth of the Revolution". The Opium of the Intellectuals (sa wikang Ingles) (ika-muling paglimbag (na) edisyon). London: Routledge. p. 56. ISBN 9781351478120. Nakuha noong 24 Hulyo 2023. [...] Marx offered the classless society as the solution to the enigma of history.

Previous Page Next Page






Proletariaat AF Proletariau AN بروليتاريا Arabic بروليتاريا ARZ Proletariáu AST Proletariya AZ Пролетариат BA Proletaryat BCL Пралетарыят BE Пралетарыят BE-X-OLD

Responsive image

Responsive image