Ang propaganda ay isang uri ng patalastas,[1] kabatiran, o komunikasyon na may layuning maimpluwensiyahan ang asal ng isang pamayanan papunta sa isang layunin o posisyon. Ginagamitan ito ng masistema o maparaang pagkakalat o pagpapalaganap ng mga paniniwala o kaya ng doktrina.[2] Halimbawa nito ang mga babasahin nagtataguyod o nagtatangkilik ng isang paniniwala.[2] Kabaligtaran ito ng impomasyong walang kinikilingan dahil, sa pinakapayak na diwa, ang propaganda ay naghaharap o nagpapakita ng kabatirang nakakaimpluwensiya sa madla. Kadalasang nagpaparating ang propaganda ng mga bagay na pinili, na maaaring isang pagsisinungaling sa pamamagitan ng pagbabawas o pagtatanggal ng ibang mga kaalaman, upang maudyok o mahimok ang isang partikular na sintesis o langkap, o gumagamit ng mga mensaheng may "laman" upang makagawa ng pangdamdamin sa halip na rasyonal o makatwiran tugon sa kabatiran inihaharap. Ang nais na resulta ay ang baguhin ang asal patungo sa isang paksa mula sa puntirya o pinupukol na mga tao upang maisulong ang isang ahenda o layuning pampolitika. Maaaring gamitin ang propaganda bilang isang uri ng pagtutunggaling pampolitika.
Habang ang salitang propaganda ay nagkamit na malakas na negatibong konotasyon o pahiwatig sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa mas pinakamapandayang mga halimbawa, ang propaganda, sa orihinal na diwa, ay walang pinapanigan o walang kinikilingan, at maaaring unawain bilang tumutukoy sa mga paggamit na pangkalahatang pinanghahawakan bilang medyo kaaya-aya o hindi nakakasama o hindi nakakapinsala, katulad ng mga mungkahi o rekomendasyon na pangkalusugang pampubliko, mga karatulang humihimok sa mga mamamayan na makilahok sa isang seksyo o halalan, o mga mensaheng nanghihikayat na mag-ulat ng mga krimen sa pulis, at iba pa.