Ang mga pulang selula ng dugo o pulang korpuskulo ng dugo (Ingles: red blood cell, dinadaglat na RBC, red blood corpuscle, o erythrocyte) ay mga selula sa dugo na nagdadala ng oksiheno.[1][2] Napakarami ng bilang ng mga pulang selula ng dugo; sa mga babae, mayroong 4.8 milyong mga pulang selula ng dugo sa bawat mikrolitro ng dugo. Sa mga lalaki, mayroong 5.4 milyong pulang selula ng dugo sa bawat mikrolitro ng dugo.[3] Ang mga pulang selula ng dugo ay pula dahil mayroong silang haemoglobin sa loob nila.