Pangulo ng Pamahalaan ng Espanya | |
---|---|
![]() Watawat ng mga opisyal ng pamahalaan | |
Istilo | Excelentísimo Señor |
Kasapi ng | Gabinete Konsehong Europeo |
Tirahan | Palacio de la Moncloa |
Luklukan | Madrid, Espanya |
Humirang | Monarko nilalagdaan din ng Pangulo ng Kongreso ng mga Diputado |
Nagtalaga | Monarko Matapos ang boto ng pagtitiwala ng mayorya ng Kongreso ng mga Diputado at lagda rin ng Pangulo ng Kongreso. |
Haba ng termino | Walang tiyak na termino Ang mga pangkahalatang halalan sa Kongreso ng mga Diputado ay malimit na ginaganap tuwing 4 na taon. Walang ipinapataw na limitasyon sa termino. |
Instrumentong nagtatag | Saligang Batas ng 1978 |
Nabuo | 1978 (sa kasalukuyang anyo) |
Unang humawak | Adolfo Suárez |
Diputado | Pangalawang Pangulo ng Pamahalaan |
Websayt | www.lamoncloa.gob.es |
Ang Pangulo ng Pamahalaan ng Espanya,[1] (Kastila: Presidente del Gobierno),[2] pormal na isinasalin ng Directorate-General ng European Commission sa Ingles bilang Punong Ministro[1] ay ang puno ng Pamahalaan ng Espanya. Ang kasalukuyang tanggapan ay itinatag sa ilalim ng Saligang-batas ng Espanya ng 1978.
Hinihirang ng Hari ng Espanya ang kandidato sa pagkapangulo na tumatayo sa harap ng Kongreso ng mga Diputado ng Espanya—ang mababang kapulungan ng Cortes Generales (parlamento)—para sa boto ng pagtitiwala sa isang prosesong tinatawag ng mga parlamentaryo na investiture, na sa madaling salita ay isang di-direktang paghalal ng puno ng pamahalaan ng mga halal na Kongreso ng mga Diputado. Sa katotohanan, ang Punong Ministro ay halos laging lider ng pinakamalaking partido sa Kongreso ng mga Diputado. At dahil sa kasalukuyang prosesong konstitusyonal sa Espanya, ang Hari ay kailangang kumilos sa payo ng mga ministro, ang Punong Ministro ay halos siya na ring punong tagapagpaganap ng bansa.