Mga reptil | |
---|---|
![]() | |
Direksiyon ng orasan mula itaas na kaliwa: Berdeng pagong (Chelonia mydas), Tuatara (Sphenodon punctatus), Buwayang Nilo (Crocodylus niloticus), at Sinai Agama (Pseudotrapelus sinaitus). | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Sauropsida |
Hati: | Reptilia Laurenti, 1768 |
Extant subgroups | |
|
Ang mga Bayabag[1] o Reptil (Ingles: Reptile) ang mga kasapi ng klaseng Reptilia na binubuo ng mga amniota na mga hindi ibon o mamalya.[2] Ang mga amniota ang mga bertebrata na may itlog na may amnion na isang dobleng membrano na pumapayag sa embryo na epektibong makahinga sa lupain. Ang mga nabubuhay na reptil ay maitatangi mula sa ibang mga tetrapoda dahil ang mga ito ay may malamig na dugo gayundin ay may mga scute o mga kaliskis. Ang mga reptil ay lumitaw sa panahong Carboniferous mga 320 hanggang 310 milyong taon ang nakalilipas. Ang mga ito ay nag-ebolb mula sa mas maunlad na Reptiliomorpha (na mga ampibyan na tulad ng mga reptil) na naging tumaas na umangkop sa buhay sa lupain. Mayroong maraming mga ekstinto o hindi na umiiral na pangkat ng reptil kabilang ang mga dinosawro, pterosaur at mga pangkat pang-tubig gay ang mga ichthyosauro. Ang mga modernong reptil na nabubuhay sa kasalukuyan ay matatagpuan sa bawat kontinente ng daigdig maliban sa Antartiko. Ang karamihan sa mga uri ng reptil ay nangingitlog pero may mga uri ng squamata na nagsisilang ng buhay na supling. Nagagawa ito sa pamamagitan ng obobibiparidad (pagkupkop ng itlog sa katawan), o bibiparidad (pagsilang ng hindi gumagamit ng kalsipikadong itlog). Marami sa mga bibiparong uri ay pinapakain ang kanilang mga petus sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng plasenta na katulad sa mga mamalya at inaalagaan ang mga anak. Ang laki ng mga nabubuhay na reptil ay mula sa Sphaerodactylus ariasae, na hanggang 1.6 cm (0.6 pulgada) hanggang sa Crocodylus porosus na maaaring umabot sa 6 m ang haba at bigat na lumalampas sa 1,000 kg. Ang pag-aaral ng mga reptil ay tinatawag na herpetolohiya. Ang apat na kasalukuyang nabubuhay na orden nito ang:
Bagaman ang mga ibon ay may scute sa mga paa nito at nangingitlog, ang mga ibon ay historikong hindi isinama sa mga reptil dahil ang mga ito ay may mainit na dugo. Kaya ang mga ibon ay hindi nakatala sa itaas. Gayunpaman, ang ilang mga reptil ay mas malapit na nauugnay sa mga ibon kesa sa ibang mga reptil. Ang mga buwaya ay mas malapit na nauugnay sa mga ibon kesa sa mga butiki. Ang mga manunulat ng kladistika na nagnanais ng isang mas nagkakaisang(monopiletikong) pagpapangkat ay minsang nagsasama ng mga ibon ng may higit sa 10,000 espesye. Ang mga reptil ay mga berterbratang tetrapoda na may apat na hita o tulad ng mga ahas na walang hita na nag-ebolb mula sa mga ninuno nitong may apat na hita. Hindi tulad ng mga amipbyan, ang mga reptil ay walang yugtong pangtubig sa larva. Sa tradisyonal, ang mga reptil ang isa sa tatlong mga klase ng amniota at ang iba pa ang mga mamalya at ibon. Sa gitnan ng ika-20 siglo, naging karaniwan na hatiin ang mga reptil sa apat na mga pangkat batay sa mga bukasan ng mga bungo nito. Gayunpaman, dahil ang mga reptil sa kahulugang tradisyonal ay mga ninuno ng parehong mga ibon at mamalya, maraming mga taksonomista ay mas kamakailang kumuha ng isang pakikitungong kladistiko na nagnanais na ipangkat ang mga hayop ng ekslusibong batay sa pinagsasaluhang ninuno kesa sa pinagsasaluhang mga katangian. Ang orientasyong ito ay nagtulak sa ilan na lisanin ang mga reptil bilang isang sistematikong unit o muling ilarawan ang mga reptil sa paraang kinabibilangan ng mga ibon.