Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Robert Hooke

Si Robert Hooke FRS (28 Hulyo [Lumang Estilo 18 Hulyo] 1635 – 3 Marso 1703) ay isang Ingles na pilosopo ng kalikasan, naturalista, arkitekto, polimata (tao ng Renasimyento). Nagkaroon siya ng isang malaking gampanin sa pagsilang ng agham noong ika-17 daantaon kaugnay ng mga gawaing pang-eksperimento at pangteoriya.[1] Isa siyang kasamahan nina Robert Boyle at Christopher Wren, at isang katunggali (kakompetensiya) ni Isaac Newton. Si Hooke ay isang pinuno sa mga balak na muling pagtatayo pagkalipas ng Malaking Sunog sa Londres noong 1666. Walang nakaligtas o umiiral na tunay na larawan ng wangis o hitsura ng mukha ni Hooke.[2]

  1. Britannica, Encyclopaedia (February 27, 2023). "Robert Hooke". Encyclopedia Britannica. Nakuha noong 1 March 2023.
  2. Mayroong mga paglalarawang ginawa, subalit hindi napatunayan kung totoong si Hooke nga ang nasa mga larawang ito.

Previous Page Next Page