Madera | |
---|---|
Karaniwang madera (Rubia tinctorum), mula sa aklat na Flora von Deutschland, Österreich und der Schweiz (Mga Halaman ng Alemanya, Austria, at Switzerland) ni Otto Wilhelm Thomé, 1885. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Gentianales |
Pamilya: | Rubiaceae |
Tribo: | Rubieae |
Sari: | Rubia L. |
Mga uri | |
See text. |
Ang madder (mula sa Ingles) ay isang karaniwang katawagan para sa mga halamang kabilang sa sari ng Rubia ng pamilyang Rubiaceae. May mga 60 uri ang saring ito ng mga gumagapang na mga yerba at palumpong na katutubo sa Matandang Mundo, Aprika, Asya at Amerika. Higit na pinakakilala sa mga ito ang mga sumusnod: ang Rubia tinctorum (common madder), Rubia peregrina(wild madder) at ang madera ng Indiya (Rubia cordifolia, o Indian madder).
Lumalaki ang Rubia tinctorum hanggang sa 1.5 metrong taas at 2-3 sentimetrong lapad. 5 hanggang 10 sentimetro ang haba ng mga laging-luntiang dahon, na may lapad namang 2 hanggang 3 sentimetro. Nabubuo ang mga hugis-bituing dahon sa paikot na paraan mula sa pinaka-puno ng sanga (mga 4 hanggang 7 bilang mula sa sanga). Gumagapang itong paakyat sa pamamagitan ng mga maliliit na mga kawit na nasa dahunan at mga sanga. Maliit ang mga bulaklak nito (3–5 mm pahalang), na may 5 talulot na kulay mapusyaw na dilaw. Lumilitaw ang makapal na kumpol ng bulaklak tuwing Hunyo hanggang Agosto, na nasusundan ng mga maliliit at mapupula o maiitim na bunga (4–6 mm ang diyametro). Umaabot hang isang metro sa haba ang mga ugat nito, na may kakapalang 12 milimetro, at napagkukunan ng pulang pangulay na kung tawagin ay maderang rosas. Namumuhay ito sa laging mamamasamasang lupang mayaman sa buhangin, putik, at nabubulok na mga organismo.
Ginagamit ang madera bilang pakain sa mga uod mula sa uri ng ilang Lepidoptera, kabilang ang Macroglossum stellatarum (Hummingbird hawk moth).