Ang SQL (Structured Query Language) ay isang wikang pamprograma na ginagamit sa pamamahala ng data sa isang relasyonal na sistemang database. Ang pamamahala sa data ay kinabibilangan ng pagpasok ng data(insert), kweri(query) o pagtingin sa data, pagbabago ng data(update), pagbura ng data(delete), paglikha ng mga tabla at skema at pagbibigay karapatan sa mga manggagamit ng database at iba pa.