Sailor Moon Bishōjo Senshi Sera Mun | |
美少女 戦士 セーラームーン | |
---|---|
Dyanra | Pakikipagsapalaran, Komedya, Drama, Pantasya, Romansa |
Manga | |
Kuwento | Naoko Takeuchi |
Naglathala | Kodansha |
Demograpiko | Shōjo na manga |
Takbo | 1991 – Abril 1997 |
Bolyum | 18 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Junichi Sato, Kunihiko Ikuhara, Takuya Igarashi |
Estudyo | Toei Animation |
Inere sa | TV Asahi |
Takbo | 7 Marso 1992 – 8 Pebrero 1997 |
Bilang | 200 |
Ang Sailor Moon (美少女戦士セーラームーン Bishōjo Senshi Sērā Mūn, orihinal na sinalin sa Ingles bilang Pretty Soldier Sailor Moon[1] at sa kalaunan bilang Pretty Guardian Sailor Moon[2][3]) ay kilalang seryeng pamagat na orihinal na binubuo ng manga sa pamamagitan ni Naoko Takeuchi na nagkaroon ng anime, teatrong musikal, larong bidyo at tokusatsu. Orihinal itong nailathala ng baha-bahagi sa Nakayoshi mula 1991 hanggang 1997; ang 60 indibiduwal na kabanata ay nailathala sa 18 tankōbon na bolyum. Sinusundan ng kuwento ang mga pakikipagsapalaran ng babaeng estudyanteng si Usagi Tsukino na nagiging si Sailor Moon upang hanapin ang isang artepaktong may mahika, ang "Legendary Silver Crystal" (「幻の銀水晶」 Maboroshi no Ginzuishō, lit. sa Ingles: "Phantom Silver Crystal"). Pinamumunuan niya ang isang pangkat na magkakaiba ang pinagmulan , ang Sailor Soldiers (セーラー戦士 Sērā Senshi) (Sailor Guardians sa mga kalaunang edisyon) habang nilalabanan nila ang mga kontrabidda upang maiwasan ang pagnanakaw ng Silver Crystal at ang pagkawasak ng Sistemang Solar.