Ang samosa mula sa Persang salita, Sambosag (سنبوسگ) ("tatsulukang pastelerya"), ay isang piniritong pastelerya sa Timog Asya[2] at Iraning (Persang) pagkain. Malinamnam ang palaman nito na karaniwang binubuo ng gulay, pinaanghang na patatas, sibuyas, gisantes, pati di-behetaryanong karne at isda. Maaari itong magkaroon ng iba't ibang hugis, kabilang ang tatsulok, balisuso, o kalahating buwan, depende sa rehiyon.[3][4][5] Kadalasang pinapares ang samosa sa chutney, at may pinagmulan sa panahong medyebal o mas maaga pa.[3] Mayroon ding mga matatamis na bersiyon. Isang sikat na entrée, pampagana, o meryenda ang samosa sa mga lutuin ng Timog Asya, Gitnang Silangan, Gitnang Asya, Silangang Aprika at kani-kanilang mga diaspora ng Timog Asyano.
↑Reza, Sa’adia (18 Enero 2015). "Food's Holy Triangle" [Banal na Tatsulok ng Pagkain] (sa wikang Ingles). Dawn. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Oktubre 2018. Nakuha noong 28 Oktubre 2018.