Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.
Sampinit
Mga pulang sampinit
Ang sampinit[1][2][3], prambuwesas o raspberi ay isang nakakaing prutas ng maraming mga espesye ng halaman na nasa saring Rubus ng pamilyang rosas, na ang karamihan ay nasa kabahaging sari na Idaeobatus.[4] Ginagamit ding pantawag ang pangalan sa mga halamang ito. Perenyal o pangmatagalan ang mga sampinit at at may mga tangkay na makahoy.[5]
886,538 tonelada ang pandaigdigang produksiyon ng mga sampinit noong 2021, na pinangunahan ng Rusya na may 22% ng kabuuan.[6] Itinatanim ang mga sampinit sa hilagang Europa at hilagang Amerika at kinakain sa iba't ibang paraan, bilang buong prutas at sa mga minatamis, keyk, sorbetes, at likor.[7] Saganang mapagkukunan ang mga ito ng bitamina C, mangganiso, at hiblang pandiyeta.
↑Javelosa, Jeannie (3 Hunyo 2018). "Slow food, a discovery of the rare | Philstar.com" [Pagkaing pambagalan, pagtutuklas ng bihira | Philstar.com]. www.philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Mayo 2024. At naroon ang sampinit, isang lokal na prambuwesas — muli, isang prutas na palagi kong nauugnay sa mga biyahe sa ibang bansa. Ngunit naroon sila sa harap ko. (Isinalin mula sa Ingles)
↑Arnaldo, Steph (26 Marso 2022). "Local sampinit berries star in Sebastian's new ice cream line" [Lokal na sampinit, bida sa bagong linya ng sorbetes ng Sebastian's]. www.rappler.com. Nakuha noong 28 Mayo 2024. Itong katutubong beri na maasim, ang lokal na bersyon ng prambuwesas, ay manu-manong namimitas mula sa mga bundok ng Laguna at Quezon! (Isinalin mula sa Ingles)
↑"LIST: 9 Philippine Fruits With Disease-Fighting Antioxidants Tested by UP" [TALAAN: 9 na Pilipinong Prutas na May Antioxidant na Panlaban sa Sikat, Tinesting ng UP]. www.rappler.com. 5 Nobyembre 2020. Nakuha noong 28 Mayo 2024. Itinuturing ang sampinit bilang lokal at ligaw na prambuwesas na tumutubo higit sa lahat sa Quezon at Laguna. (Isinalin mula sa Ingles)