Ang Sangguniang Panlungsod sa Pilipinas (tinutukoy rin na Konsehong Panlungsod) ay ang sangay tagapagbatas ng mga pamahalaan ng lahat ng lungsod sa Pilipinas. Ang mga kapangyarihan nito ay nakatakda sa Batas Republika Blg. 7160, o Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991. Ang lupon ay binubuo ng mga halal at di-halal na mga kasapi o konsehal.