Uri | Kondimento |
---|---|
|
Sawsawan ang tawag sa anumang kondimento, partikular mga sarsa, na ginagamit sa pandagdag-lasa sa mga pagkain tulad ng tinapay, siyomay, tinadtad na sariwang gulay, prutas, lamang-dagat, kinubong piraso ng karne at keso, at tsitsirya. Tinatawag itong sawsawan dahil, di-tulad ng mga ibang sarsa, isinasawsaw ang pagkain dito sa halip na hinahalo o ikinakalat sa ibabaw ng pagkain.
Karaniwang ginagamit ang mga sawsawan para sa mga kukutin, pampagana, at iba pang uri ng pagkain. Iminungkahi ng kusinerong selebridad na si Alton Brown na matutukoy ang isang sawsawan sa abilidad nitong "manatiling nakadikit sa kanyang mekanismo ng transportasyon sa higit tatlo talampakan [1 m] ng puting karpet".[1]
Kinakain ang samu't saring mga sawsawan sa buong mundo at libu-libong taon nang nakagagamit ang mga tao ng sawsawan.[2]