Ang sikayatri[1], sikayetri, saykayetri, o sikiyatriya[2] (Aleman: psychiatrie, Kastila, Portuges: psiquiatria, Ingles: psychiatry) ay ang larangan ng pag-aaral, pagsusuri at pagpapagaling sa mga baliw o nasisiraan ng bait. Tinatawag na sikayatris ang dalubhasa sa larangang ito o manggagamot ng mga may karamdaman sa mental na kalusugan.[1]