Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.
Silangang Europa
Isang pag-render ng kompyuter ng Silangang Europa
Ang Silangang Europa ay ang silangang bahagi ng kontinente ng Europa. Ang kataga ay mayroong malawak na pagkakaiba sa pag-unawang heopolitiko, pangheograpiya, pangkultura, at pangsosyoekonomiya, kung kaya't nakabatay ito sa diwa at may katangiang pabagu-bago.[1] Isang kahulugan ang naglalarawan na ang Silangang Europa ay isang entidad na makakultura at etno-kultural: bilang isang rehiyong nakalagay sa Europa na ang pangunahing mga katangian ay binubuo ng mga impluwensiyang Bisantino, Kristiyanismong Pangsilangan (Ortodoks) at ng maliit at may limitasyon na impluwensiyang Ottoman.[2][3] Isa pang kahulugan ang isinasang-alang-alang ng ilang mga may-akda bilang hindi na napapanahon,[4][5][6][7][8] ay nalikha noong panahon ng Digmaang Malamig at ginagamit, humigit-kumulang, bilang katumbas ng katagang Bloke ng Silangan. Isang kahalintulad na kahulugan ang nagpangalan sa dating mga estadongkomunista sa Europa na nasa labas ng Unyong Sobyet bilang "Silangang Europa".[3]
↑"The Balkans", Global Perspectives: A Remote Sensing and World Issues Site. Wheeling Jesuit University/Center for Educational Technologies, 1999-2002.
↑"The geopolitical conditions (...) are now a thing of the past, and some specialists today think that Eastern Europe has outlived its usefulness as a phrase."Regions, Regionalism, Eastern Europe by Steven Cassedy, New Dictionary of the History of Ideas, Charles Scribner's Sons, 2005, nakuha noong 2010-01-31