Ang sistemang pandama, sistemang pandamdam, o sistemang sensoryo ay isang bahagi ng sistemang nerbyos na may kinalaman sa pagproseso ng mga impormasyong pandama. Binubuo ang sistemang pandama ng mga tagatanggap ng pandama, mga landas ng nyural, at mga bahagi ng utak na kinakasangkutan ng pang-unawang pandama. Ang mga karaniwang kinikilalang mga sistemang pandama ay ang paningin, pandinig, pandamdam (panghipo), panlasa, at pang-amoy.
Ang mga organo ng pandama ay mga transduktor na pinapalitan ang datos mula sa panlabas na mundong pisikal tungo sa dominyo ng isip kung saan ipinakahulugan ang impormasyon ng indibiduwal, na nililikha ang kanilang pang-unawa sa mundo sa palibot nila.[1]
Ang espasyong reseptibo o receptive field ay isang lugar sa katawan o kapaligiran na kung saan tumutugon ang organong tagatanggap o selulang tagatanggap. Halimbawa, ang bahagi ng mundo na nakikita ng mata ay espasyong reseptibo nito; ang liwanag na nakikita ng bawat baras o kono ay ang espasyong reseptibo nito.[2] Natukoy ang mga espasyong reseptibo sa sistemang pantanaw, sistemang pandinig at sistemang somatosensoriyal.