Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Socotra

Socotra

سقطرى
Map
Mga koordinado: 12°31′N 53°55′E / 12.51°N 53.92°E / 12.51; 53.92
Bansa Yemen
LokasyonSocotra Archipelago Governorate, Yemen
Lawak
 • Kabuuan3,796 km2 (1,466 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2005)
 • Kabuuan42,842
 • Kapal11/km2 (29/milya kuwadrado)

Ang Socotra o Socotora (Ingles: Socotra o Soqotra; Arabe سُقُطْرَى ; Suquṭra; Kastila: Socotra o Socotora) ay isang maliit na kapuluang binubuo ng apat ng mga pulo sa Karagatang Indiya palayo mula sa dalampasigan ng Sungay ng Aprika na may ilang 190 mga milyang nautikal (220 mi; 350 km) sa timog ng tangway ng Arabya. Napakanakabukod nito o nakahiwalay, at dahil sa proseso ng espesyasyon, isang-ikatlo ng mga halamang nabubuhay dito ay hindi matatagpuan saan man sa ating planeta. Nilarawan ito bilang lugar na pinakadayuhan ang hitsura sa mundo.[1]

Bahagi ang Socotra ng Republika ng Yemen. Matagal na naging bahagi ito ng Gubernatura ng 'Adan, ngunit nakabit sa Gubernatura ng Hadhramaut noong 2004, na mas malapit sa pulo kaysa 'Adan; at bagaman pinakamalapit na gubernatura rito ang Gubernatura ng Al Mahrah.

  1. http://atlasobscura.com/places/socotra-island

Previous Page Next Page






Sokotra AF ሱቁጥራ AM Socotra AN سقطرى Arabic Socotra AST Sokotra adası AZ Socotra BAN Сакотра BE-X-OLD Сокотра (остров) Bulgarian সুকাত্রা Bengali/Bangla

Responsive image

Responsive image