Sa matematikal na analisis, ang isang sukat (measure) ng isang pangkat ang isang sistematikong paraan ng pagtatakda sa bawat angkop na subset ng isang bilang na intwitibong pinapakahulugang sukat ng pang-ilalim na pangkat. Sa kahulugang ito, ang sukat ang heneralisasyon ng mga konsepto ng haba, area at bolyum. Ang ang isang partikular na halimbawa ang sukat na Lebesgue sa isang espasyong Euclidean na nagtatakda ng konbensiyonal na haba, area at bolyum ng heometriyang Euclideano sa mga angkop na subset ng isang n-dimensiyonal na espasyong Euclidean naRn. Halimbawa, ang sukat na Lebesgue ng interbal na [0, 1] sa mga real na bilang ang haba nito sa pang-araw araw na kahulugan ng salita na spesipikong 1.