Ang salitang suso o dede o totoy[1] o pasupsupan[2] ay tumutukoy sa pangharap na rehiyon ng pang-itaas na bahagi ng katawan ng isang hayop, partikular na ang sa mga mamalya, kabilang ang mga sangkatauhan. Mayroon mga glandulang mamarya ang mga suso ng katawan ng mga babaeng mamalya, naglalabas ng gatas na nagsisilbing pagkain ng mga sanggol.
Mas kapansin-pansin ang mga suso sa mga may gulang na mga kababaihan, subalit may suso din maging ang mga kalalakihan, na bagaman hindi kalakihan, ay may pagkakahambing sa mga suso ng mga kababaihan, sapagkat sumibol ang mga ito sa magkaparehong mga tisyu.
Isang salitang balbal para sa suso ang "juju".[3]