Ang talaan ng mga haring Sumeryo ay isang sinaunang manuskrito na orihinal na isinulat sa wikang Sumeryo. Ito ay nagtatala ng mga hari ng Sumerya mula sa mga dinastiyang Sumeryo at mga kapitbahay na dinastiya, ang tagal ng kanilang paghahari at mga lokasyon ng opisyal na paghahari. Ang kanilang paghahari ay pinaniwalaang ipinasa ng mga Diyos at maaaring ilipat mula isang siyudad sa isa pa na sumasalamin sa natatantong hegemoniya sa rehiyon.[1] Sa buong pag-iral nito noong panahong Tanso, ang dokumento ay nagebolb bilang isang kasangkapang pampolitika. Ang huli at isang pinatutunayang bersiyon nito na mula sa Gitnang Panahong Tanso ay nilayong gawing lehitimo ang mga pag-aangkin in Isin sa hegemoniya nang siya ay nakikipagtunggali sa pananaig sa Larsa at ibang mga kapitbahay na siyudad-estado sa katimugang Mesopotomia.[1][2]