Tanod Baybayin ng Pilipinas Philippine Coast Guard | |
---|---|
Sagisag ng Tanod Baybayin ng Pilipinas | |
Pagkakatatag | 10 Oktubre 1967 |
Bansa | Pilipinas |
Pagtatapat | Pilipinas |
Uri | Tanod Baybayin |
Gampanin | Maritime law enforcement, border control, search and rescue |
Bahagi ng | Sandatahang Lakas ng Pilipinas |
Garison/Punong himpilan | Port Area, Maynila |
Motto | "Saving Lives" |
Maskota | Dolphin "Kapitan Dolpino" |
Mga anibersaryo | October 17, Coast Guard Day |
Websayt | coastguard.gov.ph |
Mga komandante | |
Kumandante | Admiral Joel S. Garcia, PCG, Ph.D., H.D., Al-Haj |
Insigniya | |
Flag |
Ang Tanod Baybayin ng Pilipinas (TBP) (Wikang Ingles: Philippine Coast Guard) ay isang ahensiya ng pamahalaan na itinatag sa ilalim ng Pangasiwaan ng Transportasyon at Komunikasyon para tagapagpatupad ng batas sa baybaying karagatan ng Pilipinas.
Ang TBP ay katuwang sa malawakang pagpapatupad ng batas sa karagatan sa bansa, laban sa mga nagpupuslit ng mga pinagbabawal na bagay, iligal na pangingisda, pagpupuslit ng mga pinagbabawal na gamot at pamimirata. Ang TBP ay katuwang din sa misyong paghahanap at pagliligtas sa mga sakuna. gayondin sa pagbabantay upang maiwasan ang pagkasira ng likas na karagatan. Sa kasalukuyan, ito ay makikita sa buong kapuluaan, na may sampung distrito, 54 na estasyon at mahigit 190 himpilan mula Basco, Batanes hanggang Bongao, Tawi-Tawi.[1]
Sa kasalukuyan, ang bagong batas para Tanurang Baybayin ng Pilipinas na mas kilala bilang Batas Senado bilang 3389,[2] na magpapatibay at magpapalakas ng katungkulan ng TBP ay pinaguusapan pa sa Senado ng Pilipinas.