Ang katayuan ng telebisyong kable sa Pilipinas ay tumatalakay sa kaantasan ng paggamit o panonood ng telebisyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng telebisyong kable. Noong 2009, tinataya na ang panonood o pagkakaroon ng telebisyong nakakabit sa kable ay nasa 20% hanggang 25%, na ang karamihan ng panonood ay nagaganap tuwing umaga (10% ng 27% na mga tagapanood). Ang pangunahing mga tagapagbigay ng maramihang mga tsanel na pantelebisyong kable ay ang Sky Cable at ang Destiny Cable.[1]
Isa sa pangunahing mga suliranin na kinakaharap ng mga kompanya ng telebisyong kable sa Pilipinas at ng mga tagapagkonsumo nito ay ang pagnanakaw ng signal o mga ilegal na "tap" o pagkakabit na walang pahintulot ng kompanya ng telebisyong kable.[2][3]