Ang tinidor ay isang uri ng kubyertos,[1] na binubuo ng isang hawakan na may maliliit na ngipin sa kabilang dulo. Ang tinidor ay pangunahing tampok sa kanluran bilang isang gamit pangkain, kung saan sa Silangang Asya naman ang chopsticks ang mas madalas gamitin. Ang kagamitan na ito na kadalasan ay gawa sa metal ay ginagamit upang ibuhat ang pagkain sa bibig o kaya ay ipanghawak sa pagkain habang nagluluto o habang hinihiwa ito. Karaniwan itong itinatambal sa kutsara.